Nang manganak si Ella, ganon na lamang ang kanyang pagkabigo ng makita nya ang itsura ng kanyang anak. Ganon din ang naramdaman ni Rico ng makita ang bunga ng kanilang pagiging mag asawa.
Ang batang kanilang inaasam ay hindi kagandahan. Masasabi din na hindi nila maipagmamalaki ang batang pinangalan nilang Eliz. Naiiba ang itsura ng bata. Kahit na makinis ang balat nito at mapungay ang mga mata, nagpapangit ang malaking balat nito sa mukha at ang hindi magandang hubog ng ilong nito.
Sa kabila ng pagiging iba ng itsura nito, nagawa pa din nila itong mahalin at protektahan sa ibang tao, lalo na kapag ito ay naaapi. Namuhay si Eliz na nakakulong lamang sa bahay nila.
Sa pagdating ng kaarawan ni Eliz, naisipan ng pamilya na magbakasyon. At naisipan nilang sila-sila na lamang ang magdiwang ng kaarawan ni Eliz, at pinili nilang sa probinsya na lamang sila magbakasyon.
Habang nasa byahe, nakaramdam ng panankit ng puson si Eliz. Nai-ihi ang bata. Itinigil ni Rico sasakyan at sinamahan ni Ella ang kanyang anak na makaihi.
Napunta ang mag ina sa parteng may bangin, at dun napili ni Ella paihiin si Eliz.
Ilang minuto lang ang nakalipas, tumatakbong lumapit si Ella kay Rico. Umiiyak ito at parang nababaliw sa kakapalahaw. Sinasabi nyang nahulog si Eliz sa bangin at hindi nya ito nagawang tulungan.
Nagpatawag ng tulong si Rico at di rin nagtagal, may mga otoridad na tumulong sa mag asawa.
Sa pagkawala ni Eliz, nangulila si Rico, samantalang si Ella ay namuhay na ng normal. Ngunit hindi rin nagtagal, nagkaron muli sila ng anak, at pinangalanan nila ito ng Arthur.
Malayo ang itsura ni Arthur kay Eliz. Masasabing gwapo at maaring ipagmalaki. Naging masaya ang buhay ng magpamilya, at lumalaki si Arthur na matalino at madaling makakilala sa mga tao, at bilang gantimpala sa kanilang anak na bibo, napili nilang mag asawa na ipagdiwang ang kaarawan ng bata sa ibang probinsya naman.