Nang manganak si Ella, ganon na lamang ang kanyang pagkabigo ng makita nya ang itsura ng kanyang anak. Ganon din ang naramdaman ni Rico ng makita ang bunga ng kanilang pagiging mag asawa.
Ang batang kanilang inaasam ay hindi kagandahan. Masasabi din na hindi nila maipagmamalaki ang batang pinangalan nilang Eliz. Naiiba ang itsura ng bata. Kahit na makinis ang balat nito at mapungay ang mga mata, nagpapangit ang malaking balat nito sa mukha at ang hindi magandang hubog ng ilong nito.
Sa kabila ng pagiging iba ng itsura nito, nagawa pa din nila itong mahalin at protektahan sa ibang tao, lalo na kapag ito ay naaapi. Namuhay si Eliz na nakakulong lamang sa bahay nila.
Sa pagdating ng kaarawan ni Eliz, naisipan ng pamilya na magbakasyon. At naisipan nilang sila-sila na lamang ang magdiwang ng kaarawan ni Eliz, at pinili nilang sa probinsya na lamang sila magbakasyon.
Habang nasa byahe, nakaramdam ng panankit ng puson si Eliz. Nai-ihi ang bata. Itinigil ni Rico sasakyan at sinamahan ni Ella ang kanyang anak na makaihi.
Napunta ang mag ina sa parteng may bangin, at dun napili ni Ella paihiin si Eliz.
Ilang minuto lang ang nakalipas, tumatakbong lumapit si Ella kay Rico. Umiiyak ito at parang nababaliw sa kakapalahaw. Sinasabi nyang nahulog si Eliz sa bangin at hindi nya ito nagawang tulungan.
Nagpatawag ng tulong si Rico at di rin nagtagal, may mga otoridad na tumulong sa mag asawa.
Sa pagkawala ni Eliz, nangulila si Rico, samantalang si Ella ay namuhay na ng normal. Ngunit hindi rin nagtagal, nagkaron muli sila ng anak, at pinangalanan nila ito ng Arthur.
Malayo ang itsura ni Arthur kay Eliz. Masasabing gwapo at maaring ipagmalaki. Naging masaya ang buhay ng magpamilya, at lumalaki si Arthur na matalino at madaling makakilala sa mga tao, at bilang gantimpala sa kanilang anak na bibo, napili nilang mag asawa na ipagdiwang ang kaarawan ng bata sa ibang probinsya naman.
Nakarating naman sila sa kanilang destinasyon ng ligtas, at nagdiwang sila na parang walang bukas.
Napili ngayon ng pamilya na gumala sa probinsya, at nataon naman na naiihi ang bata. Dahil sila-silang mag anak lang ang nasa lugar, pinili na lamang ni Ella na samahan ang anak nya sa isang medyo mapunong lugar.
Habang naglalakad ang bata, napansin ni Ella na naging balisa ang bata at parang hindi ito mapakali. Bilang ina, nag alala na ito kaya minabuti nyang tanungin ang bata.
"Anak, what's wrong?" Tanong ni Ella.
Hindi agad sumagot ang bata, blangko itong nakatingin sa kanyang ina.
"Tell mommy, anong nararamdaman ng baby ko?" Tanong ulit ni Ella kay Arthur.
"Natatakot ako mommy," sagot ng bata.
"Bakit naman?" Tanong ulit ng kanyang ina.
Biglang kinilabutan ang ina, at ang lahat ng kilabot ng nakaraan ay nanumbalik sa sinagot ni Arthur... "Natatakot ako mommy, baka itulak mo ulit ako." Sagot ni Arthur.
0 comments:
Post a Comment